Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez kakaliskisan ni Austria, SMB

0 57

Hinihintay na lang San Miguel Beer ang bagong acquired mula sa Terrafirma na si Christian Jaymar ‘CJ’ Perez.

Hiniling ng pamunuan ng Beermen na makasama sa ensayo ang player na pinalit sa limang manlalaro para sa Dyip, para sa paghahanda ng koponan sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup na magbubukas sa April 9.

Kakalabas lang ng 27 taong-gulang, 6-2 ang taas na guard/forward sa Gilas Pilipinas training camp sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna nitong Sabado nang makansela ang biyahe pa-Doha dahil sa Covid-19 para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifier third window.

Unang tinakda ang qualifier sa February 18-22 sa Subic bago nilipat sa Qatar at binalik uli sa ‘Pinas sa itatakda pang bagong petsa.

SM food to go Banner Ad

Ayon nitong Sabado kay SMB manager Gelacio ‘Gee’ Abanilla, nakahanda na ang club para makapasok si Perez at makalahok na sa kanilang mga session at scrimmage na pinangungunhan ni cach Leovino ‘Leo’ Austria.

“Aayusin muna namin ang kanyang iskedyul sa swab tulad ng hinihiling ng GAB (Games and Amusements Board) , IATF (Inter Agency Task Forced) at DoH (Department of Health),” anang opisyal. “Matapos makuha ang negatibong resulta, hihilingin namin sa kanya na sumali na sa koponan sa paglaon at makilala din muna ang mga pangunahing tao sa opisina. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.