Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez kayod na sa San Miguel

0 56

NAGSIMULA na sa kanyang panibagong paglalakbay bilang miyembro ng San Miguel Beermen ang dating Terrafirma Dyip main man na si Christian Jaymar “CJ” Perez.

Inilagay mismo ni Perez, na miyembro ng Gilas 3×3 na sasabak sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) at national squad, sa kanyang social media account ang pasasalamat pati na rin ang pagharap nito sa panibagong hamon sa kanyang pangatlong taon lamang ng paglalaro sa propesyonal na liga.

“Trust the magic of new beginnings,” sabi ni Perez, na kagagaling lamang sa pagsasanay kasama ang bumubuo sa Gilas Pilipinas na dapat sanang sasabak sa nakanselang FIBA Asia Cup Qualifiers sa Doha, Qatar.

“#Humble&Grateful,” sabi pa nito habang patungo sa kanyang unang pag-eensayo para sa natitirang pioneer ng unang propesyonal na liga ng basketball sa Asia na PBA na San Miguel Beermen.

SM food to go Banner Ad

Nabingwit ng San Miguel si Perez mula sa Terrafirma Dyip kapalit nina Gelo Alolino, Russell Escoto, Matt Ganuelas-Rosser at dalawang first round pick ngayong taon at sa 2022.

Inaasahang palalakasin pa ng 2019 Rookie of the Year awardee ang backcourt ng San Miguel na kinatatampukan nina Chris Ross, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at Terrence Romeo.

Magbabalik na rin si six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo para tulungan sa ilalim sina Moala Tautuaa at Arwind Santos. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.