Abante Tonite Interactive

Perez may 2 award sa PBAPC

390

Bilang 2019 PBA Rookie of the Year, si CJ Perez ng Columbian Dyip ang mangunguna sa All-Rookie Team na kikilalanin sa 2019 PBA Press Corps Awards Night.

Ang epic three-overtime encounter ng NorthPort at NLEX sa quarterfinals ng Governors Cup ang Game of the Season.

Dapat ay noong March 16 ang awarding proper sa Notovel Manila sa Araneta City, pero kinansela pansamantala dahil sa coronavirus disease 2019.

Ang 26-anyos na si Perez din ang itatanghal na Scoring Champion ng nagdaang season.

Makakasama ni Perez sa All-Rookie squad sina Robert Bolick ng Batang Pier, Javee Mocon ng Rain or Shine, Bobby Ray Parks Jr. ng TNT at Abu Tratter ng Alaska.

Ang bakbakang Road Warriors-Batang Pier noong Nov. 27 ay para sa isang ticket sa semifinals.

Inabot ng triple-overtime ang laro bago naitakas ng No. 8 NorthPort ang 126-123 win laban sa No. 1 NLEX.

Ang larong ‘yun din ang isa sa highest-watched games ng nagdaang taon, umabot sa 1.5 million ang online views.

Pinakamaraming views (3.5 million) ang Game 2 ng Governors Cup Finals ng Ginebra at Meralco noong Jan. 10. Kinuryente ng Bolts ang manipis na 104-102 win sa Lucena City, ang nag-iisang panalo ng team bago isinara ng Gins ang series sa limang laro. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad