Abante Tonite Interactive

Perez pa-SMB

1,045

Mahigit dalawang buwan pa bago magbukas ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020, kayainaasahan ang maraming rigodon para sa mga manlalaro ng 12 koponan sa kani-kaniyang pagpapa­lakas bago magbukas ang Philippine Cup sa Marso 1.

Isa sa matunog sa social media at tsismis na rin ang nabubuhay na namang paglipat ni CJ Perez mula Columbian Dyip patungo sa San Miguel.

Sa huling bahagi pa ng nakalipas na taon umalingawngaw ang trade kay Perez kapalit ang tatlong player, kasama si Marcio Lassiter. Pero isang source ang nagsabi nitong Miyerkoles na maaring ma-finalize ito sa nakatakdang taunang PBA Board of Governors planning session sa Italy sa mga susunod na linggo. (Lito Oredo)