Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez, ‘Pinas 3×3 uhaw sa Olympics

0 161

HANGAD ni former top overall pick Christian Jaymar “CJ” Perez na malasap ang kalidad at kaibahan ng paglalaro sa Olympics.

Ito ang asam ng No.1 pick ng 2018 PBA Draft at Rookie of the Year at Mythical Team member sa propesyonal na liga na Philippine Basketball Association (PBA) sa muli nitong pagrepresenta sa bansa bilang miyembro ng Gilas Pilipinas 3×3 na sasabak sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Graz, Austria.

Agad nagbalik sa ikatlong pagkakataon sa bubble environment sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna si Perez kasama ang ibang miyembro ng Gilas 3×3.

“Siyempre lahat ng players gusto makalaro sa Olympics, tayo din naman,” sabi lamang ni Perez.

Ang anim katao na koponan ay sinimulan ang kanilang paghahanda para sa OQT Sabado sa pagdating sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kung saan gagawin ang matinding training camp sa bubble.

“I’m excited about the opportunity. I know everybody is excited to represent the Philippines. So hopefully we make it to the Olympics,” sabi naman ni Joshua Munzon sa Power & Play program ni dating PBA Commissioner Noli Eala kasama sina Alvin Pasaol, Santi Santillan, Moala Tautuaa at Karl Dehesa.

“I think all of us are raring at the chance to get out there and make it a reality. It’s a dream for all of us to make it to the Olympics and I think this is a big opportunity for us and the country. It’s a special moment for us to be able to represent the Philippines,” sabi pa ng Fil-Am forward, na siyang top 3×3 player ng bansa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.