Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez rumesbak kay Bolick

0 82

Masaya lang si CJ Perez na sa unang pagkakataon mula noong college, nabawian niya rin sa playoffs ang karibal na si Robert Bolick.

Instrumento si Perez nang sipain ng San Miguel Beer si Bolick at NorthPort sa dalawang laro sa kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals duel sa Bacolor, Pampanga.

Biyaheng semifinals na nitong Huwebes ang Beermen, hahamunin sa best-of-seven ang top seed TNT.

“Sobrang excited, first semis ko,” ani Perez , nag-average ng 17.5 points, 5 rebounds, 2 assists sa best-of-three quarters.

Sa parehong series, nagsumite si Bolick ng 12.5 points, 5.5 rebounds, 10.5 assists per game.

Panahon nila sa NCAA, dalawang sunod na seasons na dinenay ni Bolick at San Beda Red Lions si Perez at Lyceum Pirates sa Finals noong 2017 at 2018.

Sabay silang pumasok sa PBA noong 2018, top pick ng Terrafirma si Perez, No. 3 ng Batang Pier si Bolick. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.