Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez, San Miguel Beer hindi bibigay sa Game 6

0 78

Semis Game 6 ngayon: (DHVSU, Bacolor)
3 pm – TNT vs SMB
6 pm – Magnolia vs Meralco
(TNT, Magnolia lead series 3-2)

Balik ang TNT sa trangko ng PBA Philippine Cup semis pagkatapos sagasaan ang San Miguel Beer 110-90 sa Game 5 Miyerkoles ng gabi sa Don Honorio Ventura State U gym.

Hawak ang 3-2 lead, puwede nang isara ng Tropang Giga ang best-of-seven sa Game 6 mamaya sa Bacolor, Pampanga venue rin.

“Alam natin sobrang lakas ng San Miguel at sanay lumaro sa championship,” ani Jayson Castro. “Pero kahit malakas sila, alam namin may tsansa kami if we make our shots.”

Nagpakita ang TNT squad ni coach Chot Reyes na nag-domina sa eliminations, maagang kumayod para kontakin ang wire-to-wire win.

Off the bench, nagpakalat ng 19 points si veteran playmaker Castro, balik ang shooting touch nina RR Pogoy at Mikey Williams na may tig-18 pts. mula sa parehong 7 of 14 clip sa field. Buhat sa labas ng arc, 4 for 9 si Pogoy, 4 for 7 ang rookie.

Naka-mask si Poy Erram para protektahan ang fractured cheekbone at tumapos ng 10 pts., 6 rebounds. Bumalik si Kelly Williams at nagdagdag ng 12 markers habang inaangklahan ang depensa kay June Mar Fajardo para mailayo sa paint.

Nakapagsumite pa rin ang center ng 23 pts. at 12 rebs., pero naiwan ng hanggang 61-33 ang Beermen.

May 18 pts. si CJ Perez, pero combined 7 of 30 lang sa field sina Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter at Terrence Romeo (3 of 13). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.