Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez, SMB nilasing ang NLEX

0 92

Masamang balita sa mga kalaban, mukhang fully recovered na sa fractured shin si June Mar Fajardo.

Maagang nagpapasok ang mga tira ng San Miguel Beer, hindi naglubay buong 48 minutes para kumpletuhin ang 110-93 panalo sa NLEX Biyernes ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Inakyat ng Beermen sa 1-1 ang record sa PBA Philippine Cup sa likod ng 21 points ni CJ Perez. May 17 markers din si Alex Cabagnot at 16 points, 9 rebounds kay Mo Tautuaa off the bench.

Balik sa starting lineup si Fajardo, tumapos ng 14 points at 10 rebounds sa 24 minutes.

“This is a very short tournament, we cannot afford to lose two games in a row,” ani coach Leo Austria.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala si Terrence Romeo (hyperextended left knee) pero nakapaglaro sa Beermen si Chris Ross (sprained ankle) at namigay ng team-high 6 assists.

Lumayo ng hanggang 61-38 ang SMB bago pumasok sa break.

Binitbit ng 20 points ni Kevin Alas ang NLEX (1-2), may 16 points si Kiefer Ravena.

Sa first game, kinubra din ng Ginebra (1-1) ang 96-81 panalo kontra Blackwater (0-3). Anim na Gin Kings ang nagsumite ng 11 pataas sa pangunguna ng 19 ni Stanley Pringle, 17 ni LA Tenorio at 11 points, 19 rebounds, 4 assists ni Christian Standhardinger. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.