Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez, Tautuaa asam Olympics

0 83

Mananatili sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol kasama sina Philippine Basketball Association stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa ng San Miguel Beer bilang Gilas Pilipinas 3×3 national team members kahit maging mga top virtual 36th PBA Draft 2021 aspirants ang unang dalawang player.

Ito ang tiniyak ni Commissioner Willie Marcial bilang buong suporta ng PBA sa PH squad na kakakampanya sa International Basketball Federation (Fiba) 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria sa May 26-30.

“All out ang suporta ng liga sa mga sasali sa OQT. Sigurado na yun, mag-a-allot tayo ng oras para makapag-ensayo ang 3×3 players,” ani Marcial nitong Lunes, sa apat na basketbolista na sumungkit ng PH 30th Southeast Asian Games 2019 gold medal.

Sina Munzon at Pasaol ang top two 3×3 players sa bansa base sa FIBA database kung saan ang Fil-Am slasher ay world 105th, habang ang dating University of the East Red Warrior scorer ay 148th sa men o open division.

Kagrupo ng ‘Pinas sa OQT Pool C ang Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic at kailangang tumapos sa top two sa group stage para makausad sa playoffs. Gold-silver-breoze medalists ang mga aabante sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang ng pandemya sa darating na July 23-August 8 . (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.