Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez, Tautuaa gamay na galawan

0 21

Nagkaamuyan na sina Mo Tautuaa at CJ Perez kung paano maglaro sa 3×3.

Magkakampi silang sumikwat ng gold sa 2019 SEA Games na ini-host ng bansa, teammates pa rin sa Gilas Pilipinas na sumubok pero nabigo sa Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria nitong May lang.

Susubukan naman ng dalawa ang chemistry sa 5-on-5.

Magkakampi na sa San Miguel Beer sina Mo at CJ.

Dumating si Perez noong February mula Terrafirma.

Naurong nang naurong ang opening ng PBA 46th season, hindi pa natatasahan ang kumbinasyon sa limahan.

“We’ve got a look of it a little in the 3×3 this year as much as we can,” pahayag ni Tautuaa, 32, sa The Chasedown. “He obviously got all of these scoring titles and whatever. We’ll see how he works alongside with me and June Mar (Fajardo).”

Intact pa ang starting five ng Beermen maliban kay Fajardo na unti-unting binabalik mula shin injury. Habang hinihinay-hinay pa si June Mar, posibleng si Tautuaa ang starting center kasama sina Chris Ross, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Marcio Lassiter.

Mas malamang, off the bench si Perez kasabay ang isa pang scoring champion na si Terrence Romeo.

“I feel we have a good cohesion together,” dagdag ng 32-year-old Fil-Tongan sa bagong kasangga. “And once we figured that out, I feel like we’ll really be a good team.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.