Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez, Tautuaa habol Olympics

0 32

Plantsado na ang mga petsa at lugar para sa last two qualifying 3×3 basketball events ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa July 23-August.

Didribol ang International Basketball Federation (Fiba) Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria sa May 26-20, habang ang Universality OQT sa Budapest, Hungary sa June 4-6.

Inaasahang lalahukan ng ‘Pinas sa pamamagitan nina Philippine Basketball Association stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa ng San Miguel Beer at incoming March 14 36th PBA Draft 2021 hopefuls Joshua Munzon at Alvin Pasaol ang pareho o isa sa dalawang torneo.

Kasama nina Perez at Tautuaa sina Jason Perkins at Chris Newsome nang makopo ang gold medal sa PH 2019 Southeast Asian Games.

SM food to go Banner Ad

Kailangan ng PH 3×3 men’s squad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na mag-top 3 finish saan man sa dalawang paligsahan upang mag-qualify sa quadrennial sportsfest.

Unang itinakda ang OQT sa Bengaluru, India sa nakaraang taon, pero ipagpaliban dahil sa COVID-19. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.