Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez, Tautuaa lalagare sa SMB

0 38

Isang laro lang sa 46th PBA 2021 Philippine Cup elims, nalagasan agad ang San Miguel Beer.

Hindi natapos ni Terrence Romeo ang 93-87 loss ng Beer sa Meralco noong Linggo nang umalog ang kaliwang tuhod.

Kagandahan, hindi ganu’n kalala ang injury ng dating scoring champion. Mukhang hyperextended knee.

Inaasahang ipapahinga ng ilang araw si Romeo, mas malamang na hindi makalaro laban sa NLEX (1-1) ngayong araw sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kuwestiyonable rin si Chris Ross na inabot ng sprained right ankle sa dulo ng Bolts game.

Walong minuto pa sa laro ay lumabas na si Romeo pero nakapagsumite pa rin ng team-high 18 points.

Nag-debut si CJ Perez sa Beer sa tono ng 17 points pero naka-18 bitaw. May double-double na 17 points, 10 rebounds si Mo Tautuaa na humalili kay June Mar Fajardo sa starting center.

Wala pa sa porma si Fajardo sa unang laro niya mula broken shin. Sa 18 minutes, 2 of 7 lang sa field ang six-time MVP.

Sa 94-75 win kontra Ginebra noong Linggo din, pasabog ng pinagsamang 39 points ang backcourt duo ng Road Warriors na sina Kevin Alas at Kiefer Ravena. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.