Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perez todo bigay sa SMB

0 310

Rookie of the Year noong 2019 si CJ Perez, parehong season na itinanghal ding Scoring Champion ng PBA.

Nitong 2020, sinikwat ng dating NCAA MVP mula Lyceum ang pangalawang sunod niyang scoring champion title.

Kaagahan ng February, trinade siya ng Terrafirma sa San Miguel Beer.

Maraming scorers ang Beermen kina Chris Ross, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, June Mar Fajardo, Arwind Santos at dating Scoring Champion ding si Terrence Romeo.

Mas malamang, malabo nang makuha ni Perez ang third straight scoring title.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Marerendahan ang minuto kumpara sa dating starting role sa Dyip, off the bench na si Perez, kasama sina Romeo at scorer ding si Von Pessumal, sa SMB.

“Iniisip ko lang kung ano ‘yung maitutulong ko talaga sa team,” ani Perez nitong Lunes. “’Yun ‘yung talagang focus ko, ‘yung pini-figure out ko kung ano ‘yung kaya kong ibigay sa team na ikakapanalo namin.”

Gusto ni coach Leo Austria ang pananaw ni Perez.

“I’m sure CJ will be a very important part of the team,” anang eight-time champion coach.

Wala pa lang bagong petsa para sa 46th PBA Philippine Cup 2021 opening. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.