Abante Tonite Interactive

Perfect shooting ni Fajardo nasa record book

319

Mister Perfect si June Mar Fajardo Miyerkoles nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Walang isinablay sa 11 binitawan mula sa field ang The Kraken tungo sa 32 points para giyahan ang San Miguel Beer sa 96-86 win kontra TNT KaTropa sa kanilang knockout quarterfinals match.

Tuloy pa ang paghahabol ng Beermen sa pagdepensa ng apat na sunod na titulo sa PBA Philippine Cup, hahamunin sa best-of-seven semis ang naghihintay na Phoenix Fuel Masters.

Umpisa ng bakbakan bukas, April 13, sa MOA Arena.

May sahog pang 14 rebounds si Fajardo, 10 of 13 mula sa foul line sa loob ng 33 minutes.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, ang 11 for 11 clip ng five-time MVP ay umakbay sa third all-time record ng pinakamaraming attempts nang walang miss sa isang PBA game.

Dalawang beses ginawa ni Ali Peek ang perpektong shooting – 11 of 11, at 12 of 12.

Si Peek ay 12 of 12 sa 81-69 win ng Coke sa Alaska noong March 10, 2006, at 11 of 11 sa 79-71 Alaska loss sa SMB sa Game 2 ng Commissioner’s Cup semis noong Aug. 1, 2001.

Nakaisa si dating Coke import Jason Dixon, 12 of 12 sa 109-108 win ng Tigers kontra Purefoods noong April 5, 2008. (Vladi Eduarte)