Abante Tonite Interactive

Perkins una sa All-Rookie Team ng PBAPC Awards Night

208

Pangungunahan ni Jason Perkins ng Phoenix ang All-Rookie team na kikilalanin sa 25th PBA Press Corps (PBAPC) Awards Night sa Jan. 21 sa Novotel Manila sa Araneta Center.

Makakasama ng 26-anyos na forward na 2018 PBA Rookie of the Year sina Jeron Teng ng Alaska, Paul Zamar ng Blackwater, Rob Herndon ng Magnolia at Christian Standhardinger ng San Miguel.

Ang kareretirong guard ng Rain or Shine na si Chris Tiu ang Breakout Player of the Year, samantalang ang triple-overtime thriller sa pagitan ng Ginebra at Elasto Painters sa Philippine Cup ang Game of the Season sa 25th anniversary ng annual affair na hatid ng Cignal TV.

Sa larong ‘yun, nanaig ang Gins 100-92 para bumiyahe sa playoffs. Pang-12 triple-OT ‘yun sa 43 taon ng PBA, naglista si LA Tenorio ng 56 minutes, 52 seconds – fourth-most minutes played of all-time sa locals.

Sa kanyang huling conference, tatlong beses binasag ng 33-anyos na si Tiu ang career-highs niya. Sa kanyang final game sa liga, umiskor siya ng career-best 30 sa 107-101 win kontra NLEX. Tinapos ni Tiu ang season sa averages na 10.7 points, 4.0 assists at 2.4 rebounds.

Sa iba pang awards, si Stanley Pringle ng NorthPort ang Scoring Champion, tatanggap ng Order of Merit sina June Mar Fajardo ng SMB, Paul Lee ng Magnolia at Vic Manuel ng Alaska.

Si National team coach Yeng Guiao ng NLEX ang una sa All-Interview team kasama sina Joe Devance ng Ginebra, Chris Ross ng SMB, Mike Digregorio ng Blackwater, Standhardinger at Tiu.