Abante Tonite Interactive

Pernia: Paglago ng ekonomiya tatamaan sa nakabiting budget

By
0 124

Nagbabala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na hihina ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa 6.1 to 6.3% ngayong taon, malayo sa target ng pamahalaan na 7 to 8% ‘pag hindi pa naisabatas ang budget ng pamahalaan ngayong buwan.

Kapag hindi pa rin napasa ang budget sa Agosto, hihina pa lalo ang paglago nito sa 4.9 to 5.1%, sabi ni NEDA Director General Ernesto Pernia.

Sa ilalim ng tinatawag na reenacted budget, hindi maaaring lakihan ng pamahalaan ang mga gastos at hindi ito puwedeng gumastos sa mga bagong bagay.

Dahil sa reenacted budget, naantala ang pagtaas ng suweldo ng mga guro sa mga public school.

Babala pa ni Pernia, maaantala ang mga bagong infrastructure project pati na ang mga pagpapalaki ng ayuda sa mga mahihirap at tsuper sa ilalim ng mga programang conditional cash transfer at pantawid pasada.

Nananawagan si Pernia na ipasa na bilang batas ang 2019 budget para maipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya.

“We call for the immediate passage of the 2019 budget. The longer we wait, the more adverse the effect will be,” sabi niya.