Abante Tonite Interactive

Perpetual bulaga kay Recraquin

257

Konting kembot pa.

Ito ang pinahiwatig ng Nemesio Gavino Jr. matapos mandohan ang San Beda Lady red Spi­kers sa pagsilat sa po­werhouse Perpetual Help Lady Altas, 25-20, 25-19, 26-16 sa NCAA season 95 women’s indoor volleyball tournament Biyernes ng hapon sa Filoil Flying V Centre.

“Credits sa mga bata at sa coaching staff ko na tumutulong para makuha ang game na ito,” pahayag ng SBU coach na nabuha­yan pa sa semifinals.
“Kailagan naming ipanalo pa yung 2 remaining games para ma-secured namin yung final 4.”

Nanguna sa opensiba ng Mendiola-based squad si Cesca Racraquin na ­sumakmal ng 18 markers sa likod ng 13 spikes, 2 blocks, at 3 service aces para sa third straight win at 5-2, kakartada ang biniktima.

Hindi rin ­nagpahuli ang graduating twins na sina Maria ­Nieza Viray na may 14 may markers mula sa pinalong 11 kills, at Maria Jeziela ­Viray na toka sa floor ­defense at naka-14 excellent digs.

“Alam naman naming na tinalo nila yung Arellano,” hirit ni Gavino sa UPHSD. “Pero ibang game ito e. So paghahandaan lang namin sila then pinag-aralan tapos pati sa training focus kami.”

Pitong puntos lang ang pinakamataas na nagawa ng isang Perpe­tual na sumadasad sa 5-2, buhat kay Jhona Rosal. (Aivan Epicope)