Abante Tonite Interactive

Perpetual-La Salle face-off ngayon

82

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Cen­ter)
9 a.m. — LPU vs Letran (jrs)
10:30 a.m. — CSB vs Perpetual (jrs)
12 nn. — San Sebastian vs Arellano (jrs)
1:30 p.m. — San Beda vs EAC (jrs)

Sisimulan ng Perpe­tual Help ang pagdepensa sa kanilang titulo pag­harap nila sa La Salle-Greenhills ngayong araw sa simula ng juniors division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nakatuon ang Junior Altas sa third straight title, tinalo nila ang Emi­lio Aguinaldo Brigadiers sa dalawang laro sa finals noong nakaraang season.

Sasandalan ng Las Piñas-based spikers Perpetual Help ang dating players na nagdala sa kanila sa kampeonato nakaraang season para puntiryahin ang ninth crown overall.

Kumpiyansa si Ju­nior Altas Sandy Rieta na malaki ang tsansa nilang masikwat muli ang titulo dahil nandyan pa ang kanyang mga pambatong sina last year’s Finals MVP Jody Margaux Severo, Best Spiker Ryuji Condrad Etorma at Best setter Gabriel EJ Casana.

“We’re confident of our chances this year because we’re fielding in an intact lineup,” ani Rieta.

Magtatapat sa unang laro ang magkapit-bahay sa Intramuros na Lyceum of the Philippines at Letran Knights, habang magkakaldagan ang San Sebastian at Arellano sa alas-dose ng tanghali.

Ibabandera ng EAC si reigning MVP Ralph Joshua Pitogo para saba­yan ang tikas ng ng San Beda sa huling laro, (1:30 p.m.).