Abante Tonite Interactive

Perpetual sinakal ni Jaycee, Lyceum

155

Binalikat nina Jaycee Marcelino at Mike Nzeusseu ang Lyceum Pirates sa muling pagpalakol sa Perpetual Help Altas, 89-74, sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 2019 second round eliminations Huwebes nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tumabas ng tig-21 points ang dalawang basketbolista para sa second straight win ng Intramuros-based squad at upuan ang No. 2 spot tangan ang 8-3 karta sa 10-eskuwelahang liga.

‘Di rin nagpahuli ang kakambal ni Jaycee na si Jayvee Marcelino na bumakas ng 11 markers at 6 boards para itulak ang Las Piñas-based squad sa ikalawang sunod na talo at sosyohan sa seventh spot ang Rizal Heavy Bombers sa 3-7.

“We just reminded them of being fearless,” suma ni LPU coach Michael ‘Topex’ Robinson. “Because again we always felt na after those two losses that we had at the end of the 1st round we felt na ‘di ganun ka-confident ‘yung mga bata,” litanya pa niya.

Dinuplika ng Lyceum ang 87-85 victory sa Altas nitong Agosto 8 sa balwarte nu’ng huli.

Umararo naman ng career-high 34 pts. si Allyn Bulanadi para sa San Sebastian Stags na niresbakan ang 1st round tormentor Benilde Blazers, 83-67, para sa limang deretsong ragasa at samahan sa tersero ang Letran Knights sa 7-3, habang bulusok sa panlima ang biktima sa 6-4 .

Ang mga iskor:

Unang laro

BASTE 83 – Bulanadi 32, Ilagan 13, Capobres 12, Desoyo 8, Calahat 7, Sumoda 6, Calma 3, Tero 2, Isidro 0, Altamirano 0, Cosari 0, Suico 0.

BENILDE 67 – Haruna 16, Nayve 10, Gutang 9, Young 8, Naboa 7, Belgica 5, Leutcheu 3, Carlos 3, Sangco 2, Lepalam 2, Mosqueda 2, Flores 0, Lim 0.

Quarterscores: 28-20; 48-39; 68-50; 83-67.

Pangalawang laro

LYCEUM 89 – Jaycee Marcelino 21, Nzeusseu 21, Caduyac 11, Jayvee Marcelino 10, David 5, Guinto 4, Tansingco 3, Ibanez 3, Navarro 3, Valdez 2, Pretta 2, Santos 2, Remulla 2, Yong 0, Laurente 0.

PERPETUAL 74 – Peralta 20, Adamos 15, Razon 12, Aurin 9, Charcos 4, Martel 4, Sevilla 4, Cuevas 2, Tamayo 2, Barasi 2, Lanoy 0. (Aivan Denzel Episcope)

13 NCAA caption:

‘Inasawa’ ni Justin Gutang at isa pang Benilde Blazers teammate si Allyn Bulanadi ng Sebastian Stags sa rematch sa 95th NCAA men’s basketball tourney 2019 2nd round elims Huwebes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.