Abante Tonite Interactive

Perro mas sikat na kay Lee Seung Gi

549

Kahapon, June 5, ang actual debut anniversary ng Triple Threat Star na si Lee Seung Gi. Sa petsang ‘yan una siyang nag-debut sa pamamagitan ng kanyang kanta na “You’re My Woman” na inawit sa Music Bank.

Sa mga Korean star, talagang sine-celebrate nila ang kanilang years in the industry. Sa part ni Lee Seung Gi na nasa ika-15 years na sa showbiz, isang napakalaking achievement na to stay on top. Mas maraming hindi nakakapag-sustain ng popularity sa loob ng ganoon kahabang taon.

Ilang beses na niyang napatunayan ang popularity and staying power niya. Pinakamalaking test ay ang absence niya from entertainment for two years. Ito ay nang mag-enlist siya sa mandatory military service. Base sa mga news, he’s the only male celebrity na habang nasa loob ng military ay kinainipan ng karamihan ang paglabas.

Siya rin ang nag-iisang celebrity also who was given a “Welcome Award” by Asian Artist Award. Hindi rin matatawaran ang mga nagawa na niya both in drama, variety, hosting and endorsements in less than 2 years since he’s comeback.

Idagdag pa ang mga series of fan meeting niya all-over Asia.

Karamihan sa mga Airen (his fans) ay may paandar na special greetings kay Lee Seung Gi sa ika-15 years niya. May special event din ang bawat fans club niya sa iba’t ibang bansa tulad ng DCLSG na sa loob ng anim na taon ay nagdo-donate sa mahihirap na pamilya ng electric fan, lalo na at matindi ang init ng summer sa bansa.

This year, they donated 330 electric fans to some senior citizen in North Joella Province in honor of Seunggi’s 15th debut anniversary. Ibang fans abroad naman ay tree planting ang ginawa. Sa Airen Philippines naman, may gathering sa June 9 sa K-Pub restaurant in Trinoma.

Bilang sorpresa naman ni Lee Seung Gi sa mga fan. Saktong 12 midnight ng June 5 ay nag-post ang kanyang agency sa YouTube account nito na Hook Entertainment. Nag-video si Seunggi kasama ang kanyang minamahal na alagang aso, si Perro.

May English subtitle na ang video kaya tuwang-tuwa ang mga international fan sa pa-sorpresang ito ng Triple Threat Star.

Ayon dito, “In commemoration of my 15th anniversary, I’d like to present dog talk with Seung Gi. I’d like to introduce to you Perro, who is resting at home. And I think, it’s a nice opportunity to show you Perro and I together.”

Napakarami raw natanggap na regalo ni Perro mula sa mga fan.

Biro nga niya, “A few days ago at the fan sign event, almost two-thirds of the gifts were for Perro. As the number of gifts suggests, Perro seems to be more popular than me.

“I think, this special version video would mean a lot to all of you. Nothing special but just me and Perro hanging out.”

Mababasa nga sa mga comment ng fans bukod sa pag-congratulate kay Seunggi sa 15th anniversary niya na tuwang-tuwa ito na mapanood ang actor with his dog.

Karamihan din sa comments ay nagwi-wish na ng music comeback niya na ewan kung possible na nga niyang magawa this year. Although tapos na siya sa filming ng latest drama niya, ang “Vagabond” na ipalalabas sa September, magsisimula naman siya ng bagong variety show sa SBS, ang “Little Forest” kasama si Lee Seo Jin. Ongoing pa rin ang variety show niya na “Master in the House” at mapapanood din siya sa isa pang variety show sa Netflix, ang “Busted” season 2.