Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Persona non grata parusa kay Lea

0 751

Paumanhin ang hiningi ni Filipina international musical theater artist Lea Salonga kamakailan. May emotional outburst kasi siya tungkol sa mga political kaganapan sa ating bansa kaya hindi niya napigilang maisulat ang isang mura with matching mahirap mahalin ang Pilipinas nating mahal.

Siguro naman alam niyo kung ano at saan galing ang hugot ni Lea lalo na kung informed kayo with information and news that matters na meron kami dito sa Abante TONITE. Hindi ko na uulitin pa ang mga ganap na nakapagpa-irita sa two-time leading lady ni Aga Muhlach.

Ang nakakabaliw, dahil sa pasabog ni Salonga, how true na may call nga ba na ideklara siyang persona non grata? In simple terms, ang salitang Latino, ang literal na ibig sabihin “unwelcome person.”

Dahil pangmalakasan niyang hanash na iyon, agad-agad, pwede na siyang ituring na persona non grata? Naku, parang alam na alam ko na naman kung kanino galing ang ganiyang panukalang paaandar, huh!

Adding more kabaliwan, totoo nga bang ang isang matandang with a former powerful government post, nabastusan daw sa paandar ni Lea? And ang add on na how true, may eme nga rin nga ba ito na wala naman daw alam gawin si Salonga kundi ang kumanta lamang?

Juice colored! Sobrang eksaheradang reaksyon naman ang hilingin at lakarin ang mabilisang proklamasyon na si Salonga ay ituring na persona non grata. Sa mga nagpapanukala nito, ang masasabi ko lang, shame on you!

At sa matandang ayaw paawat sa pagkuda, stop na sa ganyang mga pananalita.

‘Yun lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.