Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Personal info ng 3M Cashalo app user binebenta online

0 21

Nakompromiso umano ang personal na impormasyon ng nasa 3.3 milyong user ng Cashalo lending app at binibenta pa ito online, ayon sa National Privacy Commission (NPC) kahapon.

Iniimbestigahan na ng NPC ang Oriente Express Techsystem Corporation, ang operator ng Cashalo, dahil sa data security issue.

Ayon sa NPC, February 14, 2021 nilako ang datos ng mga user ng app sa iba’t ibang cyber forum. Bilang patunay, dinisplay pa ang ilan sa data dump ng aplikasyon kung saan makikita ang username, passwords, e-mail address, phone number, at device identification.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng NPC, isang user na nagtatago sa pangalang creepexploit ang nagbebenta ng datos sa dark web at nai-share ang post sa cybleinc.com at RaidForums kung saan pinakita pa nito ang sampol ng datos na makukuha.

Sa pananaw ng NPC, maaaring sa database mismo ng app nakuha ang datos na binibenta pa rin sa dark web noong Lunes.

Natanggap na umano ng NPC ang report ng Cashalo tungkol sa data breach noong February 19, 2021. Dahil sa laki ng breach, sinabi ng NPC na magsasagawa pa ito ng monitoring at imbestigasyon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.