Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Perwisyo ni `Maring’ pumalo sa P2B – NDRRMC

0 70

Umakyat na sa mahigit P2 bilyong halaga ang pinsalang dulot ng nagdaang bagyong ‘Maring’ sa sektor ng agrikul­tura, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng ahensiya, naitala uma­no ang mga pinsala sa agrikultura sa Ilocos Region, Cagayan Val­ley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Caraga Re­gion at Cordillera Ad­ministrative Region (CAR).

Nasa P1.7 bilyon naman ang pinsala sa mga imprastraktura sa Ilocos Region, Ca­gayan Valley, Mima­ropa, Western Visayas, Caraga Region at CAR.

Mahigit 7,000 kabahayan naman ang nasira sa Ilocos Region, Cagayan Val­ley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Caraga Re­gion at CAR.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa naturang bi­lang, 7,268 ang bahagyang nasira ha­bang 321 kabahayan ang ganap na nawa­sak ng bagyo.

Inilagay sa bilang na 158,510 ang mga apektadong pamilya o katumbas ng 626,177 indibidwal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.