Abante Tonite Interactive

Peryahan ng Bayan balik-operasyon

0 198

Matapos makakuha ng status quo ante order sa Court of Appeals(CA), binuksan muli ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) ang Peryahan ng Bayan su­balit tatawagin na ito na Peryahan Games.

Ayon kay PCSO Director on Gaming Arnel Casas na Oktubre 29 binuksan muli ang laro subalit hindi na lahat ng 15 lugar na may orihinal na may hawak ng permit ang pinayagan na makapag-operate.

Ipinaliwanag ni Cases na ang mga opera­tors na walang Small Town Lottery (STL) ang binigyan na lamang ng pahin­tulot na makapag-operate ng Peryahan Games, ang ganitong sistema umano ay para maiwasan ang conflict sa pagbebenta dahil sa iisang laro na lamang nakatutok.

Matatandaan na una nang pinatigil ng PCSO ang operasyon ng Peryahan dahil na rin sa hindi nakakapag-remit ang Globaltech Mobile Online Corp(Globaltech) ng may P100 milyong kita nito, kinuwestiyon ng kompanya ang desisyon ng PCSO sa katwirang hanggang 2022 pa ang kanilang permit to operate to Deed of Authority.

Sa desisyon ng CA ay kinatigan nito ang Globaltech at sinabing ligal ang ope­rasyon ng Peryahan at nagpalabas ng status quo ante order kung saan pinapayagan na makapag-operate muli ang Peryahan habang nasa arbitration ang kaso. (Tina Mendoza)