Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PESO asosasyon sa eSports

0 37

TULUYANG pinormalisa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagbibigay nito ng accreditation sa Philippine Electronic Sports Organization (PESO) bilang opisyal na National Sports Association (NSA) na siyang mamahala sa electronic sports o eSports sa Pilipinas.

Ibinigay ng POC ang isang certificate noong Oktubre 9, 2020 na nagdedeklara sa PeSO bilang associate member nito sa namumuno sa bansa na National Olympic Committee (NOC) – Philippine Olympic Committee.

“As such, PESO is the sole recognized National Sports Association and governing body for the sport of ESPORTS in the Philippines,” ayon sa sertipiko na nagbibigay pagkilala sa NSA bilang regulatory body ng sport sa bansa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.