Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pesteng yawa! Mar Roxas umalma sa fake news

0 316

Nagpasaklolo sa mga netizen si dating senador Mar Roxas upang i-report ang kumakalat na social media post na nagsasabing inaresto siya matapos mag-ipit ng shabu sa mga donasyong tsinelas na nagkakahalaga ng P200 milyon.

Sabi sa pekeng headline na ipinost ng isang netizen na nagngangalang Donsi Alleria Torres: “Former DILG Secretary Mar Roxas, arrested for possession of illegal drugs”.

Dagdag pa ng post, “Nasabat ang hinihinalang droga matapos mag-ipit ng shabu na naghahalagang 200 million PHP sa tsinelas na idodonate ng asawang si Korina Sanchez-Roxas sa isang bahay ampunan”.

Ipinost naman ni Roxas sa kanyang Twitter account ang screen grab ng pinost ni Torres sabay nanawagan sa mga netizen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hi all. Sorry to bother. Meron nanamang fake news tungkol sa akin. May I ask everyone to pls report this post – Salamat in advance,” tweet ni Roxas nitong Lunes.

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga nagpapakalat ng naturang fake news: “At sa mga gumagawa at nagpakalat nitong Fake News – What’s the matter? Desperate for attention? Cant stand yourself? Pesteng yawa. Enjoy your hell.”

Makalipas naman ang ilang minuto ay nag-post ng larawan si Roxas na kasama ang kanyang dalawang anak.

“Sa preso daw ako? … ng saya’t kaligayahan. Today 4:18pm, Cubao,” tweet pa ni Roxas. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.