Abante Tonite Interactive

Pete Davidson pinag-iingat kay Kate Beckinsale

Binalaan ng ex-dyowa

295

Nakikini-kinita na ng da­ting kasintahan ni Kate Beckinsale na si Matt Rife na hindi magtatagal ang pakiki­pagrelasyon nito sa kanyang bagong karelasyon na si Pete Davidson.

Isang taon lang nagtagal ang relasyon ng dalawa. Si Matt ay 21-anyos pa lamang noon at si Kate ay 43 na.
Kaya sa relasyon ngayon nina Kate at Pete ay umaasa si Matt na makakayanan din nila ang anumang problemang pagdaraanan na magkatuwang sila.

Nito lamang nakaraang Linggo ay kinumpirma ni Kate ang relasyon sa ex-fiancé ni ­Ariana Grande na si Pete ­Davidson.
Walang takot na ipinangalandakan ng magkarelasyon at naging viral sa social media ang kanilang sobrang PDA sa hockey game sa Madison Square Garden.

Habang tutok si Kate sa kanyang bagong pag-ibig kay Pete ay binalaan naman ni Matt ang “Sa­turday Night Live” star na laging magmanman sa karelas­yong aktres.

“Advice for Pete? Man-to-man… run,” payo ni Matt saka nilinaw ang kanyang payo na tumakbo.
Ibig ba nitong sabihin ay dapat nang layuan ni Pete si Kate?

“Enjoy it. Enjoy it while you can – I hope they’re both happy and can build to where it’s an established relationship… I wish them both the best. I don’t have any solid advice, just be careful.”