Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petecio, 2 pa deretso Tokyo

0 174

Maaring hindi na makipagkita sa kanilang mga pamilya si reigning AIBA world women’s featherweight champion Nesthy Petecio at dalawa pang teammate bago mag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan makaraang dumayo nitong Marso ng Thailand para sa training camp.

Binunyag ang bagay Martes ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), Milo, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

“Even before they left for Thailand last month, we presented them this scenario na baka tuloy-tuloy na sila sa Tokyo. There’s this possibility. And they understood,” hirit ng opisyal, lalo’t aniya mahigit 100 araw na lang bago ang inurong ng pandemic na quadrennial sportsfest.

Ang strict travel restrictions at level up ng training nina Petecio, Carlo Paalam, at Irish Magno ang dalawang dalawang nagpahigpit sa schedule ng tatlo patungo sa paligsahan sa July 23-August 8.

“We’ve talked about it that their overseas training might be extended all the way up to the Olympics. Wala nang uwian,” panapos ni Picson. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.