Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petecio buhay ang pakikipagbasag-ulo

0 157

Kung walang boksing, walang silbi ang buhay.

Ganito itinuring ni 32nd Summer Olympic Games 2020 Tokyo, Japan-bound Nesthy Petecio ang pinasok na karera sa buhay.

“I love boxing because it is not just only a sports for me,” bulalas ng edad 29, 5-2 ang taas at tubong Santa Cruz, Davao del Sur na umbagera Martes sa isang FB post kung saan hindi lang aniya basta hobby ang pakikipagsuntukan sa lona sa kanya kundi pintig na rin ng puso, at bokya siya kung wala ang sport.

“Boxing is part of my life, without it, I am nothing,” panapos na sambit ng 2019 Ulan-Ude International Boxing Federation (AIBA) World Women’s Boxing Championships featherweight gold medalist at isa sa mga star fighter ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).

Nag-qualify nitong Marso sa inurong ng pandemyang quadrennial sportsfest sa parating na July 23-August 8 ang Davaoeña boxer via world rankings. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.