Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petecio kabado sa ‘Calambubble’

0 88

May walong buwang tengga si Ulan-Ude 11th International Boxing Association (AIBA) Women’s World Boxing Championships 2019 featherweight gold medalist Nesthy Petecio sanhi ng Covid-19.

Kaya aminado siyang excited, mangangapa ng ilang linggo o isang buwan at kabado sa pagpasok Biyernes sa Olympic training camp bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna buhat sa Davao City kasama sina Junmilardo Ogayre at Marjon Planar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Huling tsansa ng 28 taong-gulang, may taas na 5-2 na si Petecio na makahabol sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa July 2021, sa World Olympic Qualifying Tournament sa June sa Paris.

“Sobrang nae-excite po ako sa training at medyo kabado po sa mangyayari sa akin sa training hahaha,” aniya kagabi sa Abante TONITE. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.