Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petecio sa Davao na ang training

0 216

Nakauwi na sa Mindanao at sa Davao na magpapatuloy ng kanyang training si Ulan-Ude 11th International Boxing Association (AIBA)World Women’s Championships featherweight titlist at 30th Southeast Asian Games PH 2019 57-kilogram gold medalist Nesthy Petecio.

May siyam na buwang nawalay ang 28-taong-gulang, may taas na 5-2, at tubong Sta. Cruz, Davao del Sur na bosingrera sapul noong bago pa mag-Pasko dahil sa paghahanda sa dalawang nasabing torneong pinagtagumpayan niya.

Sumalto siya sa Asia and Oceania Boxing Olympic Qualification Tournament noong Marso sa Jordan kaya maghahabol pa sa ilang OQT sa susunod na taon para sa 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo sa 2021. Naipit ng ilang buwan sa Teachers Camp sa Baguio at sa PhilSports Complex sa Pasig dahil sa quarantine si Petecio bago nakauwi sa linggong ito sa tahanan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.