Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petecio swimmer muna

0 47

Pogi problem?

Ito ang tila suliranin ngayon ni 2019 International Boxing Association (AIBA) world women’s champion at Southeast Asian Games gold medalist Nesthy Petecio.

Sa official Facebook account ng 28-taong-gulang, may taas na 5-2, at tubong Sta. Cruz, Davao del Sur, nag-post siya ng video nitong Martes kung saan makikitang enjoy na enjoy siya sa pagligo sa isang water falls.

Naka-slow mo version ang video at nagpapogi siya sa camera.

“Behind the scene kanina. Mga suyaon labas #Feeling pogi problem,” caption ni Petecio na miyembro ng Alliances of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP)

Pansamantala siyang nag-break sa traning at nakipag-bonding sa kanyang tropa sa isang spring para maging swimmer muna.

Napasakamay na ni Petecio ang kanyang national team ID at booklet mula sa Philippine Sports Commission (PSC) kung saan mayroon siyang 20% discount sa mga pamimili at ilang serbisyo. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.