Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petecio uupakan ang Congo boxer

0 119

Ipinarating ni 2019 Ulan-Ude AIBA World Women’s Boxing Championships gold medalist Nesthy Petecio na handa na siyang makipagbanatan sa featherweight event ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan ngayong Sabado ng alas-11:00 nang umaga (alas-10:00 nang umaga sa Maynila) . .

Makakapat ni Petecio sa 57-kilogram class preliminaries si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of the Congo sa una niyang laban sa inurong ng pandemya sa taong itong quadrennial sports festival sa Kokugikan Arena.

“I am more than ready,” deklarasyon Biyernes ng 29-anyos, 5-2 ang taas at tubong Santa Cruz, Davao del Sur na boksingera. “Our coaches have reviewed videos of my opponent and they have prepared a strategy for me. I’ll only need to follow instructions when I climb the ring.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kahit si veteran Association of Boxing Alliances in the Philippines veteran women’s team coach Nolito Velasco ibinahagi ang kahandaan ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist.

“She’s ready and she has something to prove,” sey ni Velasco. “This could be her time and she worked hard for this.”

Unang nasa harapan naman ni Irish Magno sa women’s flyweight (51kg.) event si Christine Ongare ng Kenya bukas, Linggo; kay Carlo Paalam sa men’s flyweight sa Lunes si Brendan Irvine ng Ireland; at kay Eumir Felix Marcial sa men’s middleweight round-of-16 sa Hulyo 29 sa mananalo kina Algeria’s Younes Nemouchi o Uganda’s Ssemujju dahil bye siya sa Round-of-32. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.