Abante Tonite Interactive

Petisyon kay Umali binasura ng Comelec

By
198

Muling ipinahayag ni comebacking Nueva Ecija Governor Aurelio ‘Oyie’ Umali ang pagkilala sa mga nasa larangan ng pamamahayag at pagpapahalaga sa institusyong kinabibilangan ng mga ito.

Sa Media Forum na idinaos nitong Biyernes sa De Luxe Restaurant, Cabanatuan City sa pagtataguyod ng Nueva Ecija Press Club Inc. ay siniguro pa ni Umali ang patuloy na pagsuporta sa media at trabaho nito.

Si Umali, isang abogado at mister ni incumbent NE Gov. Czarina Umali ay muling tatakbong gobernador sa Mayo 13, puwestong hinawakan nito mula 2007-2016.

Nitong Pebrero 6 ay nagpalabas ang COMELEC ng resolusyon sa pagbasura ng petisyong ihinain ng isa sa makakalaban ni Umali sa pagka-gobernador upang siya ay madiskwalipika.

“Actually napakaraming kaso nang naisampa mula noon ang mga kalaban ko aabot na yata sa 40, at marami na ang nadismis but never akong nagpapress release o presscon para ipabalita ito” ani Umali.

Idinagdag pa nito na “pinapanatili ko pa rin ang arm’s length sa inyo dahil ayoko namang saklawan ang inyong mahalagang trabaho” pagdidiin ni Umali, 52 anyos.

Nawika pa ni Umali na nasa plano na niyang titigil na sa politika ‘pag sumapit sa edad 60 o isa nang senior citizen.