Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petisyon na isapubliko health record ni Duterte binasura ng SC

0 151

Pinal na ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng isang grupo na humihiling na obligahin na isapubliko ang health records ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinasura ang petisyon ni Dino de Leon dahil wala umaning sapat na argumento para suportahan ng SC ang kanyang petisyon.

Sinabi ng SC na walang bagong argumento sa inihain na motion for reconsideration ni De Leon kaya tuluyan nang ibinasura ang kanyang petisyon.

Una nang sinabi ng SC na nabigo si De Leon na patunayan na ang pagsasapubliko ng health records ni Duterte ay “ministerial duty” ng Malakanyang at may “clear legal right” siya para hilingin ito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.