Abante Tonite Interactive

Petisyon ni Kang Daniel pinaboran ng korte

0 217

tonite-annyeong-rose-garciaPagkatapos ng halos tatlong buwan mula nang mag-file ng legal complaints at petition ang da­ting Wanna One leader na si Kang Daniel against his agency, ang LM Entertainment, na-grant na ito ng korte.

Pinaboran ang request ni Kang na ma-suspend ang exclusive contract niya sa agency. After ng halos tatlong buwan simu­la nang ma-disband ang Wanna One, maaari nang makapagpatuloy si Kang Daniel as a solo artist ng mga promotion niya as a celebrity/idol.

Ang pagkakaroon ng diumano’y third party sa management contract na pinirmahan niya sa LM ang isa sa dahilan kung bakit nag-file ito ng suspension.

Tuwang-tuwa naman si Kang Daniel sa naging resulta. Nagpasalamat ito sa mga tagahanga niya through his Instagram account.

Ang official statement niya, “I’m writing [this letter] because I wanted to inform everyone, who’s believed in and waited for me during these long three months, of [this news] myself. If I didn’t have the support and attention you’ve given me, I don’t think I could have gathered up the courage like this. Du­ring the long, long period of silence, I was touched and even cried as I read each and every one of your supportive messages. I was able to endure each day through your warmth and faith.

“Although I could have made [my situation] easier and faster by making compromises, I wanted to show you this image of myself going in the right and honorable direction, even if I went slowly.

“Thank you so, so much to all the fans who believed in my actions and my thoughts.

“I’ll now return all the courage and faith that I’ve received from everyone so far. I’ll appear on the precious stage that you guys have helped made possible with a great song and better image.

“All the fans! Please keep an eye out for rookie singer Kang Daniel, who will be making a fresh start.

“Once again, thank you so much!”

Sumagot at nagbigay rin ng statement ang LM Entertainment. Base sa sagot ng mga ito, hindi pa nila isinusuko ang laban.

Pahayag ng representative ng LM Entertainment, “We intend to file a formal objection and fight until the end against the injustice.”

Lee Yoo Jin nag-audition sa Mnet’s ‘Produce X101’

Pangalawa na si Lee Yoo Jin sa aktor na nag-audition at isa sa mga trainee ngayon ng Mnet’s “Produce X101.”

Si Lee Yoo Jin ay huling napanood sa pinaka-successful na K-drama ngayong 2019, ang “Sky Castle.” Isa rin ang character niya sa napansin among the young actors.

Pero sa kabila nito, gusto pa rin daw niyang matupad talaga ang pangarap niyang maging isang idol/singer.

‘Yun nga lang, pinakamababang X ranking ang nakuha ni Yoo Jin mula sa mga judges sa ipinakita niyang performances.

Pero sa kabila nito, hindi raw siya maggi-give up.

Ayon dito, “I haven’t once thought that because I received an X ranking I should just give up being an idol. I’ve made up my mind to do this, so I’m not going to give up, and I’m going to keep trying.”­

Ang miyembro ng EXO na si D.O. raw ang dahilan kung bakit gusto niya na maging Idol.

“I saw Do Kyung Soo [EXO’s D.O.] in the movie ‘Swing Kids,’ and I want to be like him. He’s both an idol and an actor, and it made me think that I really want to try doing the same. That’s why I’m here.”

Bumilib naman ang mga judges sa naging sagot niya sa isa raw sa mahirap na tanong palagi.

Kung ano ang mas pipiliin niya: maging isang Idol o actor.

“Because I’m here to become an idol singer, I’m going to focus solely and completely on this,” ang bonggang sagot naman niya.

Jung Joon Young guilty sa kasong rape

Inamin ng dating singer na si Jung Joon Young ang mga charges sa kanya sa kasong rape at illegal film recording.

Sa naging pretrial hearing dito noong May 10, lahat ng kaso at ebidensiyang nagtuturo sa kanya ay inamin niya na guilty siya, gayundin ang kanyang legal representative.

Hindi naman obligado na um-attend ang defendant sa ginanap na pretrial hearing, pero dumalo pa rin ito sa Seoul Central District Court.

Ang dating FTIsland member na si Choi Jonghoon ay arestado rin sa gang rape case.

Pinapaniwalaan na posibleng malapit na magtapos ang imbestigasyon sa kasong ito na bumulaga sa buong mundo, lalo na sa mga K-pop fan.