Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petisyon sa palit pangalan ng NAIA binasura

0 58

Hindi pinanigan ng Supreme Court (SC) ang petisyon ni Atty. Larry Gadon na humihiling na ideklarang unconstitutional ang RA 6639 na nagpalit sa pangalan ng Manila International Airport bilang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Atty Brian Keith Hosaka, spokesman ng SC, unanimous ang naging boto ng mga mahistrado sa na i-deny ang petisyong hinain ni Gadon nitong Agosto 27, 2020 dahil sa kawalan ng merito.

Una rito, sinabi ni Gadon na hindi umano maituturing na exceptional ang karakter ng pinaslang na dating Sen. Ninoy Aquino, kung saan hango ang NAIA kaya mabuti ani ana ibalik na sa dati ang pangalan ng paliparan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.