Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petmalu ang mga opisyal ni BBM

0 46

Marami ang napa-wow sa mga binanggit na pangalan ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na uupo sa kanyang gabinete simula sa Hunyo 30. Puros mga petmalu ika nga ang itinatalaga, lalo na ang bumubuo ng “economic team.”

Noong Huwebes, dinagdagan pa ito sa paghirang sa beteranong airline executive na si Jaime “Jimmy” Bautista bilang Secretary-designate ng Department of Transportation (DOTr).

Si Bautista ay isang Certified Public Accountant na nagtrabaho sa Philippine Airlines (PAL) sa loob ng 25 taon at naging Presidente ng flag carrier sa loob ng 13 taon bago nagretiro noong 2019.

Nagsimula ito sa baba hanggang umangat nang mahirang na Vice President for Finance noong 1993-1994, Chief Finance Officer noong 1994-1999, Executive Vice President noong 1999-2004, at President mula 2004 hanggang 2012, at 2014 hanggang 2019.

Makakatuwang niya si dating Light Rail Transit Authority (LRTA) Deputy Administrator Cesar Chavez na hinirang na Undersecretary-designate for Rails ng DOTr.

Marami namang mga kasamahan sa pamamahayag ang nagalak nang tapikin ang beteranong journalist at abogadong si Atty. Cheloy E. Garafil, upang pamunuan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Si Atty. Garafil ay nagtrabaho ng ilang dekada sa Philippine Daily Globe, Central News Agency, Associated Press, at Malaya.

Pero hindi lang pala ito ang mga pasabog ni BBM. Ang isa pa niyang nominee sa transport cluster ay si Christopher “Chet” Pastrana, na uupong General Manager ng Philippine Ports Authority (PPA). Si Pastrana ay matagumpay na negosyante sa larangan ng transportasyon kaya maaaring mapakinabangan ng gobyerno ang ilang dekada niyang karanasan sa aviation, logistics, at public maritime transport.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Agricultural Business sa University of the Philippines, Los Baños, noong1987, at kasalukuyang President and CEO ng CAPP Industries, na isang supply and logistics conglomerate.

Tumatayong chairman din si Pastrana ng Archipelago Philippines Ferries Corp. (APFC), na siyang nagpapatakbo ng FastCat ferries.

Dahil gamay niya ang industriya ng shipping, naniniwala tayong siya ang the best man for the job.

Sasalubong kay Pastrana ang kahilingan ng mga shipping association sa bansa na maibaba ang buwis sa mga pantalan. Alam nyo naman na kapag tumataas ang buwis, natural na ikinakarga ito sa produktong ibinibiyahe.

Kung mapapakinggan ni Pastrana ang kahilingan ng mga shipping association, maibababa ang presyo ng produkto. Ang resulta, hindi lang ang asosasyon ang panalo kundi pati na rin ang mga consumer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.