Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petro Gazz, Motolite sa PSL beach volley

0 273

Kabilang sa mga lalahok sa 6th Philippine Superliga (PSL) 2020 Beach Volleyball Challenge Cup sa Nobyembre 26-28 sa Subic ang Petro Gazz at Motolite ng Premier Volleyball League(PVL), ayon Miyerkoles kay PSL chairman Philip Ella Juico.

Nagumpirma na ring kasali sa three-day tournament ang PSL teams United Auctioneers, Cignal HD Spikers, Sta. Lucia Lady Realtors at F2 Logistics Cargo Movers. Magpapadala ang HD Spikers ng dalawang team habang tatlo ang Lady Realtors.

Tatapik naman ang United Auctioneers ng players mula Arellano University samantalang pina-finalize pa ng Cargo Movers ang kanilang rosters.

Related Posts

“We are really opening our doors to other clubs who are not part of the PSL to make the league bigger and better in the next few years,” sambit ni Juico na nagpapasalamat sa Subic Bay Metropolitan Authority sa pag-host ng beach volleyball bubble.

Hindi babahagi sa torneo ang PLDT at Marinerang Pilipina pero nangakong susuporta.

“We understand their decision not to join because of our situation right now,” hirit ni Juico. “The teams are very willing to join, but the players are doubtful because vaccines have yet to be made available.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.