Abante Tonite Interactive

PetroGazz Angels paiinitin ni Prado

270

Kakasa si ­Jovielyn Prado sa hamon ni PetroGazz coach ­Arnold Laniog na lalo pang magpursigi sa mga ­laban sa PVL Season 3 Open Conference.

Winalis nina Prado ang Pacific Town Army Lady Troopers, 25-15, 25-15, 25-19, nitong Miyerkoles­ sa FilOil Flying­ V Centre.

Sanib-puwersa sina middle hitter Jeanette Panaga at open spiker Prado ng 13 at 12 points para sa ikalawang ­panalo ng koponan.

“Ina-accept lang po namin ‘yung ­challenge ni coach (Laniog) kasi sabi din naman po nila wala din naman po ­kaming aasahan. So ayun parang­ kung ano po ‘yung ­ine-expect­ nila sa amin ginagawa na lang po namin,” sabi ni Prado.

Batid din nito na malaking puwang ang kailangan nilang punan sa paglisan ng kanilang mga import noong ­Reinforced Conference.

Sa darating na ­Setyembre 1, haham­balos ang PetroGazz ­kontra Philippine Air Force Lady Jet Spikers. (Janiel Abby Toralba)