Abante Tonite Interactive

PetroGazz ginulat ni Gervacio, BanKo

0 228

Apat na set ang kinailangan ni Dzi Gervacio para bitbitin ang BanKo sa sorpresang paglugmok sa PetroGazz, 25-20, 11-25, 25-21, 25-18, sa pagtaas ng kurtina Linggo ng hapon sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Pinagulong ng Perlas Spikers ang season-opening Reinforced Conference champions sa pangunguna ni Gervacio na humataw ng 14 points may palabaok pang 17 digs.

Kumayod rin para sa koponan sina team captain Nicole Tiamzon na may 12 points at Suzanne Roces at Kathy Bersola na may tig-siyam na puntos para sa bonggang simula nila at mapait naman sa Angels.

“’Di pwedeng hindi mag-i-improve yung team every year talaga, so ngayon focus kami more on our errors on how gonna improve them talaga kasi ‘di naman kami mananalo kung marami talagang errors on our side,” saad ni Tiamzon.

Dagdag niya, “Mahirap yung aasa kami sa errors nung kalaban din. We need to score, we need to less our errors,” (Janiel Abby Toralba)