Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petrolyo sirit presyo

0 203

Muling tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa ikalawang sunod na linggo simula ngayong Martes.

Sa advisory ng Cleanfuel, Petro Gazz, Shell at Seaoil, kanilang inanunsyo ang dagdag na P0.60 sa kada litro ng gasolina, P0.10 naman para sa diesel.

Ang nasabing pagbabago sa presyo ay magsisimula alas-6 ng umaga ngayong Martes, maliban sa Cleanfuel na alas-4:01 ng hapon ang adjustment.

Samantala, wala pang hinahayag na pagtaas ng presyo ang ibang gasolinahan sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.