Abante Tonite Interactive

Petrolyo taas presyo sa susunod na linggo

211

By Armida Rico

Nakaambang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito’y matapos ang tatlong linggong sunod-sunod na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa pagtaya ng mga oil company, nasa 30 hanggang 40 sentimo kada litro ang dagdag presyo sa gasolina habang 10 hanggang 20 sentimo naman sa diesel, at posibleng 20 hanggang 30 sentimo kada litro sa kerosene.

Sinabi ng mga trader na tumaas ang presyo ng imported na petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Tuwing araw ng Martes na ipinapatupad ng mga kompanya ng langis ang paggalaw sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.