Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Petrolyo taas-presyo sisipa sa P2 kada litro

0 73

Posibleng tumaas na aabot diumano sa P2 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil na rin sa pagtaas ng halaga nito sa pandaigdigang merkado na nasa $80 per barrel mark.

Base umano sa kalkulasyon ng mga kompanya ng langis, ang gasolina ay tataas ng P1.45 hanggang P1.55 kada litro habang papalo naman sa P1.95 hanggang P2.05 kada litro ang diesel.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang presyo ng mga kerosene product ay tataas din umano ng P2.00 hanggang P2.10 per liter sanhi ng mataas na demand nito hindi lamang sa mga kabahayan kundi maging sa mga industriya na gumagamit nito bilang `base fuel’.

Posibleng ipatupad umano ang panibagong taas presyo sa Martes, Oktubre 5 subalit umaapela ang Department of Energy dahil malaki ang epekto nito sa mga consumer. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.