Abante Tonite Interactive

Petron Blaze-powered Mazda wagi sa Kalayaan Cup 12-hour Endurance Run

265

Over-all champion ang Team Race Form Garage 2233 na nagmaneho sa Mazda Global Cup Car sa ginanap na 2019 Petron Kalayaan Cup 12-hour Endu­rance Run sa Clark International Speedway nakaraang Hunyo 12.

Pinatakbo ng Petron Blaze 100 Euro 6—kinikilalang best gasoline sa bansa, nakumpleto ng Miata ang 274 laps ng 4.2-km track sa 12-oras na pagtakbo.

Ang Team Race Form Garage 2233 ay pinamamahalaan ni Francis Godinez at driver na sina Antonio Brias, Don Pastor, Enrique Hormillo, at Jason Choachuy.