Abante Tonite Interactive

Petron, PTT bawas presyo sa gasolina, diesel

308

Sumunod na rin ang ibang kompanya ng langis sa pagpapatupad ng bawas presyo sa petrolyo na epektibo ngayong Martes.

Sa magkahiwalay na abiso sa publiko, inihayag ng Petron Corporation at PTT Philippines na magpapatupad sila ng P1.25 kada litro na bawas presyo sa gasolina at 30 sentimo sa kerosene.

Una nang nag-anunsyo ng bawas presyo ang Seaoil sa katulad na halaga para sa gasolina at kerosene epektibo alas-12:00 nang hatinggabi noong Linggo.
Sumunod ang Petrogazz sa katulad din na price adjustment.

Walang inanunsiyong paggalaw sa presyo ng diesel ang mga kompanya ng langis ngayong linggo.

Bumaba umano ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kung kaya’t nagpatupad rin ng price adjustment ang mga kompanya ng langis sa bansa. (PNA)