Abante Tonite Interactive

Petron Satur­day Special Pringle balik NorthPort kontra Mitchell, NLEX

365

Balik na si Stanley Pringle sa NorthPort tapos ng minor ankle surgery, iinaasahang makakalaro na si Tony Mitchell sa NLEX sa pagtatagpo ng dalawang teams sa Petron Satur­day Special ng PBA Commissioner’s Cup elims mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Hahabulin ng Batang Pier ang follow-up sa 103-81 win kontra Alaska noong Miyerkoles, babawi naman ang Road Warriors mula sa 102-87 defeat sa TNT KaTropa.

Sa likod nina Sean Anthony, Robert Bolick at import Prince Ibeh ay naitakbo ng Batang Pier ang panalo kahit wala sina Pringle, Bradwyn Guinto (knee) at Garvo Lanete (sprain).

Ayon kay coach Pido Jarencio, siniguro lang ni Pringle na wala nang nararamdaman mula sa operasyon.

“May mga tinanggal na bone spurs sa kanya,” anang coach, bago nagbiro: “Pinalitan ng bakal para maging Bio­nic Man siya.”

Nag-seryoso si Jaren­cio, maganda raw ang nakita niya sa premier guard nang mag-ensayo.

“Mas explosive pa nga lalo eh. Sabi ko nga sa inyo, parang Bionic Man. Sa practice, napakabilis. Nakakatuwa,” lahad ni Jarencio.

Si Mitchell ang first choice ng NLEX bilang import, pero ‘di nakara­ting agad kaya tinapik si Curtis Washing­ton sa confe­rence opener. Nagsumite si Washington ng 18 points at 16 rebounds, pero ‘di nakasabay kay Terrence Jones ng TNT.

Ayon sa isang team insider, isinumite na sa PBA ang papel ni Mitchell­ ­­at nakipag-ensayo na sa team kahapon.

‘Di na bago si Mitchell­ sa PBA, naging replacement import ng KaTropa sa 2013 edition ng parehong torneo at lumaro rin sa Star (Magnolia) noong 2017.

Sa Hotshots, nag-average si Mitchell ng 21.25 points, 14.4 rebounds, 1.75 assists, 1.0 steals at 2.9 blocks sa walong laro bago nagka-injury at pinalitan ni Ricardo Ratliffe.

‘Di pa rin makakalaro sa Road Warriors si JR Quinahan (knee surgery) na inaasahang­ isang buwan pang magpapagaling.

Sanction kay Tubid, 3 iba pa mananatili — Marcial

Samantala, binasura ni PBA Commissioner Willie Marcial ang apela sa vlog nang umepal na nag-Spider-Man na si Paolo Felizarta sa Philippine Cup Finals Game 5 ng San Miguel Beer-Magnolia Pambansang Manok nitong Mayo 10.

Nangangahulugang tuloy ang tig-P75,000 fine kina Ronald Tubid at Kelly Nabong sa pagsapak kay Felizarta at sa kasamahan nitong hinihinalang may dalang costume ng superhero. (Vladi ­Eduarte)