Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pfizer bakuna dinumog sa Navotas

0 299

Dinumog ng mga residente ang city hall ng Navotas, lalo na ng A2 at A3 categories, para magpalista at magpa-schedule upang mabakunahan ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, 152 mga senior citizen at mga may comorbidities ang gustong-gustong mabakunahan ng Pfizer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Taliwas ito noong dumating sa bansa ang bakuna ng Sinovac na idinonate ng China dahil nahirapan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas na kumbinsihin ang mga residente na magpabakuna gamit ang nasabing brand.

Sa isinagawang survey noong Enero 2021, Pfizer, Moderna, at AstraZeneca ang brands na napili ng mga Navoteño na ibakuna sa kanila. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.