Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pfizer bakuna hindi pa sigurado pagdating – Galvez

0 36

Naghihintay pa rin ang gobyerno kung kailan maipapadala ng World Health Organization (WHO) sa pamamagitan ng kanilang COVAX facility ang donasyong Pfizer vaccine sa bansa.

Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na siya ring vaccine czar, wala pang abiso sa pagdating ng bakuna, taliwas sa naunang pahayag na ngayong Pebrero darating ang mga ito.

“Iyong sa ating COVAX facility po hanggang sa ngayon ay wala po tayong definite date,” ani Galvez.

SM food to go Banner Ad

Pero tiniyak ng kalihim na handang-handa na ang gobyerno para sa roll-out ng mga bakuna sa sandaling dumating na ang mga ito sa bansa.

Sinabi pa ni Galvez na wala sa gobyerno ang problema sa pagkaantala ng mga bakuna mula sa COVAX facility kundi nasa WHO dahil sa dami ng mga bansang bibigyan ng libreng bakuna.

Pero sinisiguro aniya ng WHO na lahat ng bansa mayaman man o mahirap ay magkakaroon ng bakuna. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.