Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pfizer bakuna hindi pa sure petsa ng dating

0 183

Hinayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala pang kumpirmadong pets ana ibinibigay ang COVAX facility ng World Health Organization (WHO) hinggil sa pagdating ng unang batch ng Pfizer-BioNTech vaccine.

Gayunman, ayon sa National Task Force Against COVID-19 at Department of Health (DOH) inaasahan na darating ang paunang 117,000 dose ng Pfizer vaccine sa ikalawa o ikatlong linggo ngayong Pebrero.

Sabi ni Galvez, “For example, Feb. 15, ‘yun ang parang indicative date natin, pero hindi pa po ‘yun ang final date. Puwede pong mag-slide tayo ng third week. Marami pong requirements and paperworks na kailangan i-comply.”

Dagdag pa ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “The dates that were provided to us were indicative dates. ‘Pag sinabi nating indicative, iyan po ‘yung mga tentative schedule pa lang.”

Kaugnay nito, naghanda na ang pamahalaan para sa handling ng darating na bakuna mula sa paliparan hanggang sa paghahatid sa mga ito sa mga vaccine hub sa Research Institute for Tropical Medicine at ilang ospital sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.